-- Advertisements --

Nasa bansa ang mga imported na sibuyas at ito ay maaring ibenta sa mga palengke sa mga susunod na araw.

Ayon kay Bureau of Plant and Industry Director Glenn Panganiban, aabot sa 16 container na puting sibuyas at 32 container na pulang sibuyas ang dumating nitong weekends.

Kasalukuyan itong dumadaan sa second border inspection para matiyak na ligtas itong kainin.

Inaasahan na sa araw ng Biyernes ay mabibili na ang nasabing mga sibuyas sa mga merkado.

Aminado ito na hindi napapanahon ang pag-angkat ng gobyerno sa mga sibuyas dahil panahon na ngayon ng pag-aani ng mga magtatanim ng sibuyas sa bansa.