Ipinaliwanag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang magiging implementasyon ng EDSA Rebuild na magsisimula na sa susunod na buwan at inaasahan na matatapos sa 2027.
Magsisimula ang preparatory stage ng EDSA Rebuild sa June 13 kung saan maglalagay muna sila ng mga barriers at pagkatapos ng isang linggo, sisimulan na nilang bungkalin ang 200-kilometer southbound at northbound lanes ng EDSA at papalitan ang mga pavements. Upang mapabilis din ang proseso ng rekonstruksiyon, maaaring kumuha sila ng maraming kontraktor.
Bibigyang prayoridad ang bahagi ng Pasay hanggang Guadalupe dahil na rin sa ASEAN Summit na mangyayari sa susunod na taon.
Paglilinaw nila na hindi isasarado ang buong EDSA, ngunit isasara lamang ang bawat lane kapag bubungkalin na ito. At pagtitiyak nila na mananatili pa rin ang EDSA Carousel.