-- Advertisements --

Inihayag ni Senate Pro tempore Panfilo Lacson na maaaring mag-convene agad ang Senado bilang impeachment court kapag natanggap ang Articles of Impeachment laban kay VP Sara Duterte, pero posibleng sa Hunyo pa magsimula ang aktwal na trial.

Aniya, aabutin ng hindi bababa sa tatlong linggo ang proseso, kabilang ang pagpapadala ng summons, pagtanggap ng sagot ng depensa, at pre-trial para sa stipulations at pagmamarka ng ebidensya.

Binanggit din niya ang impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona kung saan nagkaroon ng kalituhan dahil sa kawalan ng maagang preliminary conference, dahilan para may mga “surprise” na testigo.

Dagdag pa ni Lacson, habang walang Temporary Restraining Order mula sa Supreme Court, tuloy ang proseso, ngunit maaari itong pagbotohan ng impeachment court kung may ilabas na utos.

Sinabi rin niyang nagpulong na ang mga senador upang maghanda, at pinaalalahanang umakto bilang “judges” at manatiling neutral sa pagitan ng prosecution at defense. (report by Bombo Jai)