-- Advertisements --

Inamin ng Department of Trade and Industry (DTI) na lalong mararamdaman ang mabigat na impact sa kalakalan ng gulo sa Russia at Ukraine kapag tumagal pa ng tatlong buwan o higit ang naturang sitwasyon.

Ayon kay Trade Usec. Ruth Castelo, bagama’t may minimal na epekto na ito sa imports at iba pang transaksyon, hindi malayong bumigat pa kapag nagtagalang mga karahasan.

Maliban kasi sa sagupaan ng dalawang bansa, may mga pina-iral ding sanction ang US at European countries laban sa Moscow.

Sa kabila nito, hindi umano maaaring basta na lamang magtaas ng singil sa anumang produkto sa merkado sa ating bansa dahil mahigpit ang kanilang patakaran sa umiiral na suggested retail price (SRP).

Pinakakalma rin ng DTI ang publiko dahil marami pa namang alternatibong hakbang para hindi direktang maranasan ang matinding impact ng Russia at Ukraine conflict.