-- Advertisements --
ILOILO 3 2
Photo from Arnold Almacen/Iloilo City Mayor’s Office

ILOILO CITY – Nagpaliwanag ang Iloilo City government kasunod ng reklamo ng isang vaccinee na binakunahan ng first dose ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na Sinovac ngunit para sa kanyang second dose, Moderna na ang naiturok sa kanya.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na base sa naging sagot ng Iloilo City Health Office kasunod ng insidente, na “overlook” lang ng assessment at vaccination personnel ang first dose na Sinovac na nakalagay sa assessment at vaccination card ng nagrereklamo.

Ayon sa alkalde, pagod na ang mga vaccinators at halos walang pahinga at kailangan na mag-move on na lang upang maiwasan na maulit ang katulad na pangyayari.

Una nang sinabi ng alkalde na kailangan may gawing disciplinary action sa vaccinator na nagturok ng maling bakuna sa nasabing vaccinee.