Nangalampag na rin ang OFW welfare advocate na si Susan Ople kay Manila Mayor Isko Moreno kaugnay ng mga illegal recruiters sa lungsod.

Ayon kay Ople, matagal nang naglipana ang mga ganitong modus operandi sa Maynila.

Nabatid na 70 porsyento ng licensed agencies ay nasa teritoryo ni Mayor Isko.

Lumalabas din daw sa data ni Ople na ilan sa mga lisensyadong recruitment agency ay front lamang ng ilang personalidad mula sa Middle East.