-- Advertisements --

NAGA CITY- Narecover ng mga otoridad ang isang Caliber .45 na baril sa Ogtoc Beach, Brgy. Buenasuerte, Ragay, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) una na rito napagalaman na una ng nakatanggap ng report ang Ragay Municipal Police Station ng umanoy nag paputok ng baril sakay ng isang bangka paputang Brgy. San Rafael.

Kung saan agad naman na rumesponde ang nasabing ahensya katuwang ang 9IB Philippine Army at inabangan na ito sa pangpang upang komprontahin.

Ngunit pag dating ng umanoy suspect sakay ng bangka sa lugar ay bigo ang mga itong makuha ang nasabing baril na ginamit.

Sa kabila nito, matapos magsagawa ang ahensyan ng search on the sea bed sa lugar ay agad naman na nakuha ang Caliber 45 pistol, magazine, na may roong live ammunitions, magazine na mayroong pitong ammunitions, isang hindi pa napagaalaman na klase ng caliber of pistol.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing mga narecovery na kagamitan para sa karampatang diposisyon.