-- Advertisements --

Ipinaalala ng Malacañang ang P2 million reward na alok ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa bawat “ninja cop” o mga pulis na nagre-recycle ng nakukumpiskang iligal na droga.

Sa pagdinig ng Senado kahapon, kinumpirma ni dating CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na maraming active PNP (Philippine National Police) officials ang sangkot sa illegal drugs recycling.

Sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles, nananatili at hindi pa binabawi ni Pangulong Duterte ang P2 million bounty para sa ikakaaresto o ikakapatay ng mga “ninja cops.”

Ayon kay Sec. Nograles, galit na galit si Pangulong Duterte sa mga “ninja cops” at pursigido itong malinis ang hanay ng mga pulis.

Patuloy aniya ang kanilang imbestigasyon kasama na rito ang mga ibinulgar ni Mayor Magalong sa executive session sa Senate investigation.