-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapasara ng travel consultancy sa San Fernando Pampanga dahil sa pag-alok ng pekeng trabaho sa bansang Poland.

Ayon kay DMW Secretary Susan Ople na ang IDPLumen Travel Consultancy Services ay mayroong opisina rin sa Santiago City, Isabela at sa Tabuk sa Kalinga.

Naniningil umano ang mga ito sa mga aplikante ng aabot sa P122,000.

Wala rin aniya itong mga kaukulang permit mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Para mag-recruit ng mga OFW.

Mahigpit na pinayuhan ng kalihim ang mga mamamayan na mag-ingat sa pakikipagtransaksyon sa mga travel consultancy at mga iligal recruiter na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa.