-- Advertisements --

Sumakay ang ilang unibersidad sa kasikatan ng America pop singer Taylor Swift.

Ito ay dahil magsasagawa ang University of Melbourne ng academic conference on Swift phenomenom.

Gaganapin ito mula Pebrero 10 hanggang 13, 2024 ilang araw bago ang pagsasagawa ng ‘Eras’ Tour sa Australia ng singer.

Bukod sa nabanggit na unibersidad ay nagpahayag din ng pagsuporta ang nasa pitong unibersidad sa Australia at sa New Zealand.

Ayon sa organizers na ang “Swiftposium” ay tumatanggap ng mga dokumento mula sa mga researchers ng Asia-Pacific region na tumatalakay sa disiplina na may kinalaman sa sociology,
economics, marketing at gender studies.

Mas lalo pang sumikat ang singer dahil sa world tour na kaniyang isinasagawa kung saan nababago nito ang mga pop culture ng mga bansang pinupuntahan niya.