Sinampahan ng transport groups ng kasong sibil ang ilang matataas na opisyales ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTr) kasunod ng iligal na pagpapalabas ng mga polisiya kaugnay ng pagpapatupad ng Public Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC).
Batay sa inihaing reklamo ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ng transport groups, sinampahan ng kaso sina Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, Uundercretary Reinier Paul Yebra, Land Transportation Office Asec. Jose Arturo Tugade at iba pa.
Inihain ni Atty. Torreon ang Petition for Certiorari Prohibition sa Regional Trial Court ng Lupon, Davao Oriental upang ideklara ng korte na walang bisa ang mga naunnag ipinalabas na Department Order / memorandum circular kaugnay ng iligal na implementasyon ng PMVIC na naglalayong into Inting gipitin at maalis ang PETC gayong
alinsunod ito sa umiiral na batas.
Ipinababasura rin ng ibat-ibang transport group at road safety advocates ang pagpapairal ng PMVICs system na ginawa lamang sa bisa ng Department Order.
Sa isinampang reklamo ng lead counsel ng grupo na si Atty. Israelito Torreon laban sa Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTr) sa Regional Trial Court (RTC) sa Lupon ng Davao Oriental, sinabi nito na layon lamang na gipitin hanggang sa nawalan ang Private Emission Testing Center (PETC) gayong ito ay alinsunod sa mga umiiral n batas.
Bukod pa rito, ipinarerebisa rin ng grupo ang implementasyon ng Land Transportation Management System (LTMS) bunsod ng sunod-sunod na kapalpakan na naranasan ng kanilang hanay.
Magkasanib pwersang nagsampa ng kaso ang mga grupong Ang Kaligtasan sa Kalsada; National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP); National Public Transport Coalition (NPTC); Association of Committed Transport Organizations Nationwide Corporation (ACTONA); Arangkada Riders Alliance Inc. (Motorcycle Riders) at Lupon Pedicab Operators Drivers Association at iba pang transport group sa Davao Region.