-- Advertisements --
Ilang grupo ang nagbalik tanaw sa pagbisita sa Harrison Plaza sa huling araw ng operasyon nito sa loob ng 43 taon.
Ngayon kasi ay tuluyan na itong isasara bilang isa sa major mall ng lungsod ng Maynila.
Matatandaang itinayo ito noong 1976 sa Malate at naging sentro ng malalaking aktibidad at shooting ng mga pelikula.
May grupo ng senior citizens na nagbalik-tanaw sa mall, kung saan naging tambayan na raw ito sa nakalipas na mga taon.
Habang may ilang regular mall goer na ikinalungkot ang pagsasara ng HP.
Nabatid na ang 7-hectare Harrison Plaza complex ay sasailalim na sa rehabilitasyon para bagong proyekto.