Inalmahan ng ilang senador ang pinasok na deal ng DOLE na magpapadala ng health workers sa United Kingdom (UK) at Germany, kung mabibigyan ng bakuna ang ating mga kababayan.
Ayon kay Senate minority leader Sen. Franklin Drilon, hindi dapat ipang-bargain ang ating mga mangagawa para lang sa bakuna o anumang ibang kapalit.
Si Drilon ay dati ring kalihim ng DOLE noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.
Para naman kay Senate committee on labor chairman Sen. Joel Villanueva, hindi sana mauuwi sa ganito ang sitwasyon kung ginawa ng mga opisyal na naka-assign sa vaccine procurement ang kinakailangang hakbang para makakuha ng bakuna.
Sa panig naman ng DOLE, hindi raw intensyon ng kanilang tanggapan na magmistulang commodity ang mga manggagawang Pinoy.
Giit nila, gusto lamang ng ahensya na matiyak na mababakunahan ang Pinoy health workers na magtatrabaho doon, lalo’t hindi pa sila nabibigyan ng COVID vaccine dito sa Pilipinas.