-- Advertisements --
Ikinatuwa ng ilang senador ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pagsuspendi sa mga ginagawang reclamation projects sa Manila Bay.
Sinabi ni Senate Pro Tempore Loren Legarda na ang reclamation ay hindi silang ecological option at sa halip ito ay isang engineering option na layon nito ay mapalawak ang mga lupain.
Nararapat na pag-aralang mabuti ng mga reclamation projects.
Hinikayat naman ni Senator Risa Hontiveros ang gobyerno na dapat tigilan na talaga ang mga China-funded reclamatio projects sa bansa.
Una ng ikinabahala ng US Embassy sa Pilipinas ang nagaganap na reclamation projects sa Manila Bay dahil sa magkakaroon ito ng negatibong epekto sa kalikasan.