-- Advertisements --

Pinili ng ilang residenteng ng Laurel, Batangas na manatili sa kanilang tahanan sa kabila nang panawagan ng lokal na pamahalaan kasunod nang pagsabog ng Taal Volcano.

Ang mga residente na nanatili sa tatlong high-risk barangays ay tumangging lumikas sa mga evacuation centers.

Iginiit ng mga ito na nasanay na sila sa mga aktibidad ng bulkan at hindi na sila naaalarma.

Sinabi ng iba na nababahala sila sa posibilidad na matamaan ng COVID-19 sa mga evacuation center.

Ang iba naman ay nagsabi na mas gugustuhin nilang manatili sa bahay at alagaan ang kanilang mga hayop sa bukid.

Tiniyak naman ng pamahalaang lokal sa mga residente na nagpapatupad sila ng physical distancing sa mga evacuation center.

Iniutos namn ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar sa mga yunit ng pulisya na tiyakin ang pagpatupad ng minimum health protocols sa mga temporary shelters.

Napag-alaman na hindi bababa sa 2,429 na indibidwal ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan sa Batangas dahil sa pagsabog kamakailan ng Taal Volcano.

Karamihan sa mga evacuees ay mula sa mga munisipalidad ng Agoncillo at Laurel.