Hindi naitago ni Eastern Visayas Gov. Ben Evardone ang panlulumo nang makita ang malaking pinsala sa kanilang lalawigan, makaraang makapaglibot na ngayong araw.
Ayon kay Evardone sa panayam ng Bombo Radyo, personal niyang pinuntahan ang mga lugar na labis na naapektuhan ng bagyong Ambo, para malaman kung ano ang kanilang ipapaabot na tulong.
Sa bayan ng Arteche, ang napakaraming food packs na sana ay ipapamahagi ng lokal na pamahalaan ay kasamang nabasa ng malakas na ulan, dahil sa nasirang warehouse.
“Sa Arteche, na isa sa mga grabe ang ‘distroso’ na-damage pati yung 1,000 bags nila ng bigas na para sa relief supply. Nasira kasi yung ware nila dun,” wika ni Evardone.
Aminado naman itong hindi pa nila natatapos ang paggawa ng report ukol sa pinsalang idinulot ng bagyo dahil hanggang sa kasalukuyan ay may mga lugar pang hindi nararating ng mga otoridad.