-- Advertisements --

Patuloy na inaalerto ng Pagasa sa posibleng pagbaha at landslide ang ilang bahagi ng Catanduanes, Camarines Sur, Sorsogon, Albay at Samar provinces dahil sa bagyong Bising.

Ito’y kahit inaasahang lalayo na sa lupa ang nasabing sama ng panahon sa mga darating na araw.

Paliwanag ng Pagasa, nababad na sa ilang araw na ulan ang naturang mga lugar kaya madaling bumaha at bumibigay na ang lupa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 500 km sa silangan ng Infanta, Quezon.

Kumikilos ito nang napakabagal sa pahilaga hilagang kanlurang direksyon.

Taglay pa rin ang lakas ng hangin na 195 kph at may pagbugsong 240 kph.

Signal no. 2:
Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur, eastern portion ng Albay, eastern at central portions ng Sorsogon; Northern Samar, northern portion ng Samar at northern portion ng Eastern Samar

Signal no. 1:
Eastern portion ng Cagayan, Isabela, Quirino, northern at central portions ng Aurora, eastern portion ng Quezon kasama ang Polillo Islands, Camarines Norte, natitirang bahagi ng mga lalawigan ng Camarines Sur, Albay at Sorsogon, ganun din ang Masbate kasama ang Burias at Ticao Islands, nalalabing bahagi ng Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte at northern portion ng Cebu pati na ang Bantayan at Camotes Islands