Inilahad ni Press Sec. Trixie Angeles ang ilang mahahalagang punto na inaasahan sa mga pulong ngayong araw nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Singapore Pres. Halimah Yacob.
Ayon kay Angeles, may mga inisyal nang nakatakdang mapag-uusapan, ngunit hindi pa agad maaaring ilabas dahil may mga bilang na maisasapinal lamang matapos ang pagtalakay.
Kabilang na rito ang investment deals at dami ng mga manggagawang kukunin mula sa Pilipinas.
Mayroon ding paguusapan tungkol sa socio cultural at people to people exchanges, pangunahin na dito ang two-way tourism ngayon post pandemic era.
Nabatid kasi ang Singapore ay isa sa nangungunang source of tourists sa ASEAN, kung saan naitala ito noong 2019.
May mutual recognition din ng vaccine certificates na mahalaga para sa pagbyahe sa pagitan ng dalawang bansa.
Nakahanay din ang Singapore’s technical and human resource development assistance sa ating bansa.
Bago ito, tinungo ngayong araw ng Pangulo ang Singapore Botanical Garden.
Dito ay ipinangalan sa mag-asawang Pres. Bongbong at Liza Marcos ang “Dendrobium Ferdinand Louise Marcos.”
Maliban sa kanila, una na ring ipinangalan ang ilang bulaklak kina dating First Lady Imelda Marcos, dating Pangulong Corazon Aquino at dating Pangulong Rodrigo Duterte.