-- Advertisements --
Pinapalikas ang ilang milyong residente sa Mexico dahil sa muling pagiging aktibo ng Popocatépetl volcano.
Dahil sa nasabing pagbuga nito ng mga makakapal na abu ay maraming mga flights ang naantala sa Mexico City.
Isinara rin ng mga otoridad ang ilang operasyon ng gusali ganun din ang pagkansela ng klase.
Aabot sa 25 milyon katao ang naninirahan sa 60-miles radius ng bulkan sa Mexico City sa pagitan ng Morelos, Publa at state of Mexico.
Magugunitang noong araw ng Linggo ay itinaas ng National Civil Protection Coordination (CNPC) ang kanilang volcanic threat sa “yello phase 3”.
Binalaan din ng mga otoridad ang karatig na bayan na makakaranas sila sa pagbuga ng abo mula sa bulkan.