Humirit ng dagdag pasahe ang pamunuan ng Metro Manila Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Lines 1 at 2.
Base sa LRT-1 na humihirit sila ng dagdag na P17 hanggang P44 na mula sa dating hirit nila na P11 hanggang P30.
Habang ang LRT-2 ay humirit ng pagtaas ng P14 hanggang P33 sa stored value ticket mula sa kasalukuyang P12 sa P28 at sa single value ticket ay ipinapanukala ang pagtaas ng P15 hangang P35 mula sa dating P15 hanggang P30.
Paliwanag ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private sector operator ng LRT-1 na nagkaroon sila ng pagkalugi ng halos P32-billyon dahil sa mga gastusin na dapat ay napunan ng pagtaas ng pasahe ng 5 percent kada taon subalit pinayagan lamang silang magtaas ng pamasahe noong 2015.
Paliwanag ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera na tanging 17 percent lamang sa mga pasahero na sumasakay ng two station trips ang makakadama ng pagtaas ng pasahe.