Mas mababa pa kumpara sa suggested retail price o SRP ang mga presyo ng mga Noche Buena product ilang linggo bago ang Pasko.

Ito ay base sa isinagawang monitoring Department of Trade and Industry (DTI).

Ilang halimbawa nito ay mababa ng P1.00 hanggang P10.000 ang SRP ng mga ilang produkto gaya ng mayonnaise, pasta, tomato sauce at fruit cocktail.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi na magtataas ng presyo ang nasabing mga produkto hanggang katapusan ng Disyembre.

Pinagbabawalan din anila ang mga manufacturer ng ilang produkto gaya ng delatang gatas at sabong panlaba.

Sa susunod na taon pa aniya sila magkakaroon ng panibagong pagtaas ng presyo.