Bumandera ang mga sikat na pangalan sa NBA na isasabak ng USA Basketball team sa Paris Olympics.
Sa anunsiyo ng USA Basketball Team, nanguna sa listahan sina LeBron James, Joel Embiid, Kevin Durant at Stephen Curry.
Ilan sa mga manlalaro na kabilang sa listahan ay sina: Jarrett Allen, Paolo Banchero, Desmond Bane, Scottie Barnes, Mikal Bridges, Jaylen Brown, Jalen Brunson, Alex Caruso, Anthony Edwards, De’Aaron Fox, Aaron Gordon, Tyrese Haliburton, Josh Hart, Tyler Herro, Chet Holmgren, Brandon Ingram, Jaren Jackson Jr., Cam Johnson, Walker Kessler, Kawhi Leonard, Donovan Mitchell, Bobby Portis, Austin Reaves, Duncan Robinson, Derrick White at Trae Young.
Ayon sa USA Basketball team na ang unang 41 na pangalan na inilabas nila ay unang yugto lamang ito sa lisatahan hanggang mabuo ang 12-player Olympic roster.
Ang Team USA Basketball team ay pinamumunuan ng head coach na si Steve Kerr ng Golden State Warriors kasama bilang Assistant niya si Erik Spoelstra ng Miami Heat.
Ayon kay men’s national team managing director Grant Hill, na mismong mga NBA stars ang nagpakita ng interest na sila ay makapaglaro sa Olympics bilang representatives ng bansang USA.