-- Advertisements --

Binatikos ng ilang mambabatas sa US ang laman ng State of Union Address ni President Joe Biden.

Sinabi ni House Speaker Mike Johnson, na sa halip na akuin ni Biden ang responsibilidad ay isinisisi pa sa iba ang mga nangyayaring krisis at ilang nararanasang kaguluhan sa US.

Inihalimbawa nito ang border control kung saan bilang pangulo dapat ay ginamit nito ang kaniyang kapangyarihan para pigilan ang pagpasok ng mga iligal na migrants.

Ayon naman kay Senate Minority Whip John Thune na dapat ay kumuha rin si Biden ng tulong mula sa Republican para sa ikakabuti ng ekonomiya ng US.

Sa panig din ni Senator Dan Sullivan na dapat ay hindi na sisihin ni Biden ang administrasyon ni dating President Donald Trump na pinalitan nito dahil sa matagal na itong pinalitan sa puwesto.

Magugunitang inilahad ni Biden ang mga programa nito US sa ginawang State of Union Address kung saan ipinagmalaki nito ang papel ng US sa mga nagaganap na kaguluhan sa Israel at Hamas ganun din sa labanan ng Ukraine at Russia.