-- Advertisements --
Pumanaw na sa edad na 91 ang ina ni dating Senador Mar Roxas na si Judy Araneta Roxas.
Ang pagpanaw na nito ay kinumpirma mismo ng dating senador at nagdulot naman ng lungkot sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Siya ay kilala bilang maybahay ng yumaong si dating senador Gerry Roxas, isang prominenteng lider sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang kanyang pamana bilang isang mapagmahal na asawa, at ina ay mananatiling buhay sa puso ng maraming Pilipino.