-- Advertisements --
Isa sa malaking makikinabang sa pagbiyahe noong nakaraang Linggo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa China ay ang pagbuhay ng local steel industry.
Ayon kay Philippine Ambassador to Beijing Jaime FlorCruz na sa 14 na kasunduan ng China at Pilipinas ay solido ang mga proyektong nilalaman nito.
Kabilang na dito ang kasunduan sa Baowu Steel at Steel Asia.
Sa nasabing kasunduan ay makakapagpasok ng hanggang $2bilyon dollar investment ito para makapagtayo ang bansa ng kauna-unahang liquid steel plant.
Ang nasabing proyekto ay makakapaglikha ng hanggang 3,000 na trabaho sa bansa.