Patuloy na tinatahak ng bagyong Kiko ang Babuyan Island.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa karagatang bahagi ng Babuyan Island, Calayan, Cagayan.
May dala itong lakas ng hangin ng hanggang 215 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 265 kph.
Tinatahak nito ang hilagang kanlurang ng Luzon sa bilis na 20 kph.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal number 4 sa Batanes at Hilagang silangang bahagi ng Babuyan Island.
Nasa signal number 3 naman ang extreme northeaster portion ng Santa Ana at Gonzaga sa Cagayan at ang natitirang bahagi ng Babuyan Islands.
Nakataas ang signal number 2 sa Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Buguey, Santa Teresita, Amulung, Alcala, Lasam, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Santo Niño sa Cagayan at sa Calanasan, Luna, Pudtol, Flora, Santa Marcela sa Apayao.
At signal number 1 ang natitirang bahagi ng Cagayan, northern portion ng Ilocos Norte na kinabibilangang ng Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi, Nueva Era, Piddig, Solsona, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, San Nicolas, Sarrat, Dingras, natitirang bahagi ng Apayao, Balbalan, Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal sa Kalinga, Paracelis sa Mountain Province; Palanan, City of Cauayan, Cabatuan, Aurora, Luna, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Ilagan City, Quezon, Burgos, Tumauini, San Manuel, Santo Tomas, Roxas, Santa Maria, Mallig, Quirino, Cabagan, Delfin Albano, Gamu, San Pablo, Maconacon, Divilacan, San Mariano sa Isabela.
Magdadala na kalat-kalat na pag-ulan ang nasabing bagyo sa malaking bahagi ng Luzon.