Patuloy ang paglakas ng bagyong Egay habang ito ay nasa karagatan ng bansa.
Ayon sa PAG-ASA, na ang sentro ng bagyo ay nasa 490 km ng east-northeast ng Daet, Camarines Norte o 620 km ng silangan ng Baler, Aurora.
Mayroong lakas na hangin na aabot sa 120 kilometer per hour at pagbugso ng 150 kph.
Nakataas ang Storm Signal number 2 sa northeastern portion ng Catanduanes gaya ng mga bayan ng andan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto.
Nasa signal number 1 naman ang mga sumusunod:
LUZON: Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, the northeastern portion of Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Quezon, Kasibu, Solano, Villaverde), Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, the northern portion of Aurora (Casiguran, Dilasag, Dinalungan, Dipaculao), Camarines Norte, Camarines Sur, the rest of Catanduanes, Albay, at Sorsogon.
VISAYAS: Northern Samar, Eastern Samar, at Samar
Pinayuhan ng PAG-ASA ang mga mangingisda na ipinagbabawal ang pumalaot lalo na sa mga lugar na nakataas ang typhoon signal.