Ilang local government units ang magiging bahagi ng Green Economy Program, na naglalayong itulak ang paglipat sa green economy ng ating bansa.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Yulo-Loyzaga nitong ang gobyerno ng Pilipinas at ang European Union ay lumagda sa isang kasunduan sa Green Economy Program, na kinabibilangan ng grant na nagkakahalaga ng €60 million.
Ito ay naglalayong suportahan ang bansa sa mga lugar tulad ng circular economy, renewable energy, at climate change mitigation.
Aniya, natukoy na ng kanilang departamento ang humigit-kumulang 10 LGU na maaaring maging bahagi ng programa para sa pagpapabuti ng kanilang ekonomiya at ang climate change mitigation.
Target ng DENR na maisumite ang mga dokumento at umaasang masusuring NEDA board sa buwan ng Nobyembre.
Dagdag pa ng opisyal na ang gobyerno ay nagsisimula na ngayon sa sarili nitong mga pagsisikap na green economy.
Ang Green Economy Program ay naglalayon na suportahan ang paglipat ng Pilipinas tungo sa isang green economy kabilang ang mga inisyatiba sa pagbabawas ng basura at plastik, pati na rin ang pagtaas ng kahusayan sa enerhiya at renewable energy deployment para suportahan ang climate change mitigation.