-- Advertisements --

Mahigit 20 katao kabilang ang mga journalists ang ikinulong sa Moscow matapos ang naganap na kilos-protesta sa election headquarters ni Russian President Vladimir Putin.

Nagsagawa kasi ang kilos protesta ang mga asawa ng sundalo ng Russia na itinalaga sa Ukraine.

Nanawagan ang mga ito na dapat ay pauwiin na sila sa kanilang bansa.

Dahil dito ay pinagdadampot sila ng mga kapulisan kasama ang ilang mga mamamahayag at mga aktibista.

Dinala sila sa Kitay-Gorod station kung saan hindi rin sila pinayagang makausap ng kanilang mga abogado.