-- Advertisements --
Hiniling ng grupong Partido Manggagawa na napapanahon na ang pagkakaroon ng unified national minimum wage para sa mga manggagawa ng bansa.
Sinabi ni PM National Chairman Rene Magtubo na bagamat may mga batas na isinusulong para sa dagdag sahod sa mga manggagawa ay hindi pa rin ito sapat.
Hindi kasi maganda na magkakaiba ang mga minimum wage ng mga manggawa sa iba’t-ibang rehiyon dahil sa parehas lamang ang presyo ng mga bilihin sa bansa.
Magugunitang tinatalakay na ng mga mambabatas ang dagdag na P100 sa arawang sahod ng mga manggagawa kung saan ito ay kinokontra ng employers.