Nagpasya ang maraming bansa sa Europa na magbigay ng mga power generators para tulungan ang Ukraine.
Kasunod ito sa patuloy na pagpapaulang ng Russia ng rockets na ikinasira ng powersupply ng maraming bahagi ng Ukraine.
Isa ang France ang nagsabing magbibigay ng 100 high power generators para matulungan na mainitan ang mga mamamayan dahil sa dumaranas sila ngayon ng tag-lamig.
Iginiit pa ni French Foreign Minister Catherine Colonna na ang pagpapaulang ng rocket sa mga gusali na pag-aari ng mga sibilyan ay isang uri ng war crimes.
Ayon naman si Prague Mayor Zdeněk Hřib na mayroong ibibigay ang Czech Republic ng 626 na heater para sa mga 400 na residente ng Kyiv at 226 naman sa mga residente ng Mykolav.
Mayroong 100 heat guns din na ibibigay ang Latvia ambassador to Ukraine na si Oleksandr Mishchenko, kasama nito ang charity institution ay magbibigay dinito ng 84 na power generators.