-- Advertisements --
Inihanda na ng European Union ang mga water pumps, bangka at generators na ibibigay sa mga biktima ng pagbaha sa Ukraine matapos ang pagkasira ng Nova Kakhovka dam.
Ayon sa Ministry of Internal Affairs sa Ukraine na mayroong 12 European countries ang nagpadala ng mga life-saving aid sa pamamagitan ng European Union Civil Protection Mechanism.
Nauna ng nagpadala ng mga tulong ang bansang Germany, Poland at Estonia sa mga biktima ng pagbaha sa Ukraine.
Nangako naman ang Lithuania, the Czech Republic, Finland, Austria, Denmark, Poland, France at Norway ng tulong sa nasabing bansa.