-- Advertisements --

Nagpaabot ng kanilang mga kalungkutan ang ilang mga artista at director ng pelikula matapos na mabalitaan ang pagpanaw ng beteranang actress at singer na si Nora Aunor.

Nanguna dito ang itinuturing na matinding karibal nito sa pelikula na si Vilma Santos kung saan pinasalamatan niya ang namayapang actress dahil sa nakasama nito sa pelikulang “T-Bird at Ako” noong 1982.

Naging magkaribal ang mga fans nina Santos at Aunor na nabuo noon ang ‘Vilmanians’ at ‘Noranians’.

Habang ibinahagi naman ng beteranang actress na si Hilda Koronel na balak pa sana nila na magsagawa ng reunion movie.

Kasama kasi ni Koronel ang actress sa pelikulang “Gaano Kadalas ang Minsan” na ipinalabas noong 1982.

Habang ibinahagi naman ng Cherry Pie Picache ang larawan ng actress kung saan ipinaabot niya ang pagdarasal.

Nakasama ni Picacache ang actress sa pelikulang “Whistleblower” noong 2016.

Naglabas naman ng tribute video ang Director’s Guild of the Philippines Inc. kung saan pinuri nila ang galing nito sa pag-arte.

Magugunitang kinumpirma ng anak nitong Kristoffer Ian De Leon at Lotlot de Leon ang pagpanaw ng kanilang ina nitong gabi ng Abril 16.