Peter Mayhew
Peter Mayhew/ IG post

Ikinalungkot ng ilang mga artista sa Hollywood matapos na mabalitaan pagpanaw ng actor na si Peter Mayhew sa edad 74.

Nakilala ang actor sa pagganap nito bilang si Chewbacca sa pelikulang Star Wars.

Pinangunahan ng beteranong actor na si Harrison Ford ang pakikiramay na itinuturing niya si Mayhew na taong mabait at matatag.

Dagdag pa nito na sa pagsasama nila sa pelikula ay tumibay ang kanilang mga samahan sa loob ng 30 taon.

Hindi naman makakalimutan ni Mark Hamill na gumanap bilang si Luke Skywalker ang kabaitang ipinakita ni Mayhew.

Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay pugay ang sina JJ Abrams ang director ng The Force Awakens at Rian Johnson ng The Last Jedi sa pumanaw na actor.

Nagpost naman sa kaniyang social media si Canadian Prime Minister Justin Trudeau kasama ang actor.

Hindi naman idinetalye ng kaanak nito ang sanhi ng kamatayan ng actor na ito ay pumanaw sa kaniyang bahay sa Texas.