-- Advertisements --

BOMBO LAOAG – Matinding takot ang pangamba ng mga natitirang Afghans sa Afghanistan sa pagtatapos ng evacuation ngayong araw.

Ito ang inihayag ni Mr. Maroof Malekyar, afghan national na nagtratrabaho sa embahada ng Netherlands sa Afghanistan sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag.

Ayon kay Malekyar, walang kasiguraduhan na magiging ligtas ang mga natitirang Afghans sa nasabing bansa matapos tagumpay na masakop ito ng mga Taliban.

Aniya, tulad niya ay maraming Afghans ang gustong makaalis sa bansa sa huling araw ng evacuation dahil sa presensya ng Taliban.

Samantala, sinabi nito na dahil karamihan sa mga Afghans kagaya niya ay walang passport kung kayathirap ang mga ito na makalabas sa Afghanistan.

Inihayag nito na dagdag pa rito ang Taliban na nakabantay sa buong afghanistan partikular sa Kabul airport.

Kaugnay nito, ani Malekyar na hangad nilang matulungan ng iba’t-ibang nasyon ang mga afghan refugees na gustong makaalis sa Afghanistan.

Una ng ipinaalam ni Malekyar na sa ngayon ay hirap sila sa sitwasyon lalo na sa pagkain dahil sa kawalan ng trabaho at kita.

Dagdag nito na maraming taon ng nababalot ng takot ang kanilang bansa dahil sa hindi matigil-tigil na gulo.