-- Advertisements --
Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa eastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey), kasama na ang Babuyan at Camiguin Islands, pati na ang eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Dinapigue, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan).
Huling namataan ang sentro ng super typhoon Betty sa layong 1,170 km sa silangan ng Central Luzon.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.
May lakas ito ng hanging 195 kph at may pagbugsong 240 kph.