-- Advertisements --
Ilang libong protesters ang nagmartsa sa malaking bahagi ng Washington, DC.
Kasabay ito sa paggunita sa 1963 civil rights march sa US.
Ang nasabing pagtitipon ay inorganisa ng civil rights leader na si Reverend Al Sharpton at Matin Luther King III.
Nanawagan ang mga ito ng police reforms.
Hinikayat din nila ang mamamayan ng Amerika na makibahagi sa general election sa buwan ng Nobyembre.
Dumalo sa nasabing kilos protesta ang mga kaanak nang pinatay umano ng ilang pulis mula sa Minnesota na si George Floyd at Jacob Blake Sr. na nasa kritikal ang kalagayan matapos barilin ng kapulisan sa Wisconsin.