Kanselado ang ilang ilang international flight ngayong araw dahil sa typhoon Hanna na may international name na “Lekima.”

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga kanselado ang Taipei-Manila-Taipei ng China Airlines; Manila-Taipei-Manila flight ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at Air Asia.

Sinasabing maaari pa itong madagdagan dahil sa paglapit ng bagyo sa eastern side ng China.

Pinapayuhan ang mga may nakatakdang byahe na tumawag muna sa airline company bago magtungo sa paliparan upang maiwasan ang abala.