Nakakaapekto na rin sa ilang industrisya ang walang humpay na oil price hike.
Kabilang na rito ang local airline industry kung saan humihirit ito na bawasan ang government-imposed fees at charge na ipinapataw sa kanila.
Ayon kay Air Carriers Association of the Philippines Chairman Bonifacio Sam, malaking tulong ito dahil hindi pa sila lubusang nakakabangon matapos padapain ng COVID-19 pandemic.
Samantala, maaari namang umakyat ng 15 hanggang 25 percent ang halaga ng domestic shipping sa bansa.
Paliwanag ni Philippine Liner Shipping Association President Mark Parco, bunsod ito ng 50% increase sa presyo ng krudo simula Enero.
Dahil dito, umaapela na rin sila ng fuel subsidy mula sa gobyerno at suportado rin nila ang pagsuspinde sa excise tax sa langis.