Mabilis na tinapos ng mga nagdaos ng kilos protesta ang kanilang aktibidad sa UP compound sa Diliman, Quezon City, kaugnay ng paggunita ng ika-48 anibersaryo ng martial law declaration.
Kapansin-pansing kakaunti lamang sila sa rally, kumpara sa mga nakaraang taon na wala pang COVID-19 pandemic.
Ayon kay National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) chairperson Atty. Neri Colmenares, nagpa-iral sila ng mahigpit na protocol para maiwasan ang posibleng exposure, kung may mapahalong may sakit na COVID-19.
Habang ang iba ay nakilahok na lamang sa pamamagitan ng online protest.
Dumalo rin sa aktibidad ang human right lawyer at chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na si Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno.
Ang ama ni Dean Diokno at si Atty. Colmenares ay ilan lamang sa mga biktima ng pagpapahirap noong panahon ng martial law, kaya taon-taon din silang nagpoprotesta para huwag nang maulit ang pag-iral ng batas militar.