-- Advertisements --

Kanselado ngayong araw ang ilang flight patungo sa Bicol region at pabalik sa Metro Manila dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), partikular na ipinagpaliban ang byahe ng Cebu Pacific flights na Manila-Virac at Virac-Manila.

Pero nilinaw ng Pagasa na walang umiiral na bagyo at low pressure area (LPA)sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Nabatid na hanging amihan at localized thunderstorm lamang ang dahilan ng mga biglaang ulan, lalo na sa bahagi ng Catanduanes at iba pang parte ng Luzon.

Payo ng mga otoridad, tumawag muna sa airline companies bago magtungo sa paliparan, kung may mga anunsyo ng kanselasyon.