Kanselado ang dalawang byahe ng Cebgo ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ito’y kahit hindi pa nakakalapit ang bagyong may international name na “Kammuri” sa ating bansa.

Partikular na apektado ng kanselasyon ang Manila-Masbate-Manila ng Cebgo.

Payo ng mga otoridad, makipag-ugnayan muna sa airline companies bago magtungo sa paliparan upang malaman kung tuloy o kanselado ang kanilang flight.