Inanunsiyo ngayon ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagkansela sa ilang biyahe ng eroplano sa Kabikolan dahil sa sama ng panahon dala ng bagong si Crising.

Kabilang sa kinansela ay Cebu Pacific flight 5J 321/ 322 na biyaheng Manila-Legazpi-Manila.

Samantala una nang inilagay ng Pagasa sa signal number 1 ang mga sumusunod:  Sorsogon, Burias island, Romblon, Masbate including Ticao island, Aklan, Antique, Iloilo, Capiz, Northern Cebu, Northern Negros Occidental, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte at Southern Leyte.

Sinasabing posibleng ilagay na rin sa susunod na bulletin ng Pagasa ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Marinduque at Mindoro provinces sa storm warning signal number 1.