-- Advertisements --
IMG 20191214 170727

Sa kabila ng pagkakatanggal sa runway ng eroplanong sumadsad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 ay nagdulot pa rin ito ng perwisyo sa mga mananakay lalo na sa domestic flights.

Kinansela kasi ng ilang airport companies ang biyahe ng kanilang mga eroplano ngayong araw matapos ang insidenteng kinasasangkutan ng Jetstar plane na papuntang Japan.

Kabilang sa mga nagkansela ang budget airline Cebu Pacific Air.

Kasama na rito ang flights na:

5J487/5J488 Manila-Bacolod-Manila
5J901/5J902 Manila-Caticlan (Boracay)-Manila
5J553/5J554 Manila-Cebu-Manila
5J325/5J326 Manila-Legazpi-Manila
5J506/5J507 Manila-Tuguegarao-Manila
5J659/5J660 Manila-Tacloban-Manila
5J379/5J380 Manila-Cagayan de Oro (Laguindingan)-Manila

Agad namang humingi ng paumanhin ang airline company dahil sa perwisyong dulot ng naturang insidente.

Nag-abiso rin sila sa mga pasaherong puwede pa rin silang mag-rebook ng biyahe sa loob ng 30 araw at wala itong penalty at magre-refund sila ng tickets.

Madaling araw kanina ng sumadsad ang Jetstar plane sa damuhang bahagi ng paliparan at dito na nabalahaw.