-- Advertisements --
BEST MAGAZINE GOVT OFFICIALS

Dinagsa ng mga celebrities mula sa showbis industry, singers, film directors, fashion designers, pageant guru, beauty queens, mga negosyante at well-known government officials ang awarding night ng 6th Outstanding Man and Women of the Philippines 2022 ng Philippines Best Magazine na isinagawa sa Teatrino, Promenade sa San Juan, Metro Manila.

Inihayag ng Philippines (Beauty, Empowered people, Style, Tourism) Best Magazine head na si Richard Hiñola na ang Outstanding Men and Women of the Philippines at Philippine Outstanding Brand of the Year ay parangal para sa mga hindi mabilang na mga Pilipino para sa kanilang mga kontribusyon sa pagpapagaan ng kalagayan ng mga hindi gaanong pribilehiyo sa lipunan o ang kanilang pamumuno sa maraming aspeto ng pagbuo ng bansa o nation-building.

Kabilang sa mga tumanggap ng award ay si Public Attorney’s Office Chief na si Persida Rueda-Acosta.

Ito ang kanyang pangalawang parangal sa loob ng anim na taon bilang isa sa Most Outstanding Men and Women in the Philippines.

Kabilang din sa naging awardee ng Most Outstanding Men and Women in the Philippines ay ang isa sa mga anchor ng Bombo Radyo Philippines na si Bombo Jane Buna.

6TH OUTSTANDING 1

Ilan pa sa naging awardee mula sa entertainment, media and broadcast industries ay kinabibilangan ng actor na si Ken Chan, Teejay Marquez, actrees na si Jane de Leon, actor na si Jak Roberto, Kim Rodriguez, Gerald Santos, Maricel Soriano, Mel Martinez, William Martinez, John Nite, Sephie Francisco, Jmko Manguba, William Thio, Evangeline Pascual, Maridol Rañoa-Bismark, Eton Concepcion, Fernan de Guzman, Pilar Mateo, Sunshine Dizon, Kelvin Miranda, David Chua, Ray An Dulay, Romm Burlat, Ina Alegre ( na naging mayor n ng Pola, Oriental Mindoro), Actor comedian na si Wacky Kiray, Vince Tañada, Chino Philyang and Arjo Atayde.

Ang mga awardees naman mula sa beauty and fashion industry ay sina Bb Pilipinas 2022 1st runner up Herlene Nicole Budol, negosyanteng si Joel Cruz, Mitch Lucas, Daphne Chloe Villamor, Wilbert Tolentino, Anna Lisa Amar Eugenio, Betty Aw, Andrew Badiola, Michael Cinco, Riza Dormiendo , Ali Forbes at marami pang iba.

Ang mga awardees ay pinili batay sa kanilang power and influence, sinusukat ang kanilang mga kontribusyon sa lipunan at bansa, ang mga adbokasiya na kanilang sinimulan o aktibong partisipasyon na nagsisilbing inspirasyon sa iba.

6TH OUTSTANDING 2