-- Advertisements --

Nagbigay ng mahalagang abiso ang Quezon City Government patungkol sa magiging daloy ng trapiko ngayong araw ng Linggo, October 11 sa mismong paligid ng Sto. Domingo Church mula alas-tres ng hapon hanggang alas-syete ng gabi dahil sa gaganaping Grand Procession ng imahen ng Our Lady of the Rosary of La Naval de Manila.

Narito naman ang mga kalsadang pansamantalang isasara upang bigyang-daan ang prusisyon na susundan ng banal na misa sa Sto. Domingo Church.

• Sto. Domingo Avenue – From Quezon Avenue to Ma. Clara Street

• Dapitan Street – From Sto. Domingo Avenue to D. Tuazon

• N. Roxas Street and D Tuazon will close once the spearhead is out

• Quezon Avenue from tunnel up to D. Tuazon

Magkakatuwang naman ang mga pamunuan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) upang maging maayos pa rin ang daloy ng trapiko sa mga dadaanan ng prusisyon.

Samantala, pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.