CENTRAL MINDANAO-Tumaas pa ng lebel ng baha sa lalawigan ng Maguindanao at North Cotabato dulot nang malakas na buhos na ulan.
Sa Maguindanao ay binaha ang mga bayan ng Datu Montawal,Pagalungan,Rajah Buayan,Mamasapano,Northen Kabuntalan,Datu Salibo at Datu Piang.
Habang sa probinsya ng Cotabato ay mga bayan ng Pikit, Makilala, Kabacan at Carmen.
Umapaw ang Pulangi River,Rio Grande de Mindanao at Liguasan Marsh kaya binaha ang mga bayan na malapit sa kailugan sa Maguindanao at Cotabato.
Sa bayan ng Datu Montawal ay agad namahagi ng tulong sa mga pamilya na sinalanta ng baha ang LGU-Datu Montawal sa pangunguna ni Mayor Datu Ohto Montawal.
Sa Rajah Buayan,Mamasapano at Datu Salibo ay binaha ang mga kalsada kaya hirap ang mga sasakyan sa pagdaan.
Marami na rin ang lumikas patungo sa mga ligtas na lugar sa Maguindanao dahil sa pagtaas ng lebel ng baha.
Lubog sa baha ang mga pananim ng mga magsasaka at ilang ari-arian na nasira.
Nagpaalala ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga nakatira sa gilid ng ilog at kabundukan na mag-ingat sa pagragasa ng baha at pagguho ng lupa.