-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa mag-ina sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Zahariya Bansuan , 48 anyos, byuda at ang kanyang anak na si Zainudin Bansuan,16 anyos, mga residente ng Barangay Ambadao Datu Piang Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na habang lulan at mga biktima sa isang motorsiklo mula sa Cotabato City at papauwi na sa kanilang tahanan.

Ngunit pagsapit ng mag-ina sa Sitio Matalam Barangay Poblacion Talayan Maguindanao ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa Barangay Tulunan Datu Anggal Midtimbang Maguindanao.

Patay on the spot ang mag-ina na kapwa nagtamo ng tama ng bala sa kanilang ulo at likod.

Matatandaan na unang binaril patay ang mister ni Zahariya sa Malagapas Cotabato City.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Talayan Municipal Police Station sa pamamaril patay sa mag-ina.