-- Advertisements --
Naniniwala si Czech Foreign Minister Jan Lipavsky na ang blanket ban sa mga visas ng mga Russian travellers ay isang mabisang sanctions.
Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga EU members states, ito ang kaniyang panukala na maaring pag-usapan sa nalalapit nilang pagpupulong sa katapusan ng Agosto.
Dagdag pa nito na mayroon pa itong mga anim na sancitons packages na nakahanda laban sa Russia.
Noong Pebrero 25 ay itinigil na ng Czech Republic ang pagbibigay ng visas sa mga ordinaryong Russian citizens na bumibisita sa kanilang bansa.
Una ng ipinanukala ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga western countries na magpatupad ng total ban sa mga Russians bilang parusa sa ginawa nilang paglusob.