-- Advertisements --

Binaha na naman nitong Lunes ang ilang bahagi ng Oriental Mindoro dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Sa monitoring ng local disaster management office, may ilang bahay na ang nasira sa San Andres, bayan ng Naujan, Oriental Mindoro.

Paliwanag ng Pagasa, dulot ito ng mga pag-ulang dala ng umiiral na shear line o tila linya ng makapal na ulap.

Nilinaw din nilang walang umiiral na bagyo at low pressure area sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Wala ring nakikitang mabubuong bagyo sa ating bansa hanggang sa pagtatapos ng taong 2021.

Gayunman, lalakas umano ang hanging amihan, kaya paghanda na ang mas malamig na temperatura.